Nakakagulat talaga sa tuwing titignan ko ang status ng blog ko at makikita ko ang hindi kapanipaniwalang hits ng isinulat ko na TAWAGAN NG MAGSYOTA. Talaga palang maraming nag-e-effort na maghanap ng pet name o itatawag sa mga minamahal nila.Ang totoo nyan, kaya ko lang naman isinulat yun e para kundenahin yung paggamit ng mga tao sa mga laspag na tawagan. Hindi naman dahil bitter ako o ano. Napagtripan ko lang talaga na pakialaman yun.
At ngayon nga, sa part 2, gusto ko namang pakialaman yung weird na pag-ispelling ng mga magsing irog sa mga ginagamit nilang pet name.
Hal. Mine-> Mhynne ; Baby-> bheibhie.
Pinapahirapan pa nila ang sarili nila sa pag-spell ng isang simpleng salita. Pero hindi ko rin naman sila masisi. Marahil ay dala iyon ng kagustuhan nilang maiba o maging unique. Pero sa totoo lang e hindi kayo unique dahil pahabain o ibahin mo man ang spelling nun, ang Mhynne ay mine pa rin at kagaya ka pa rin ng iba.
Merong mga nag-e-email sa akin nagtatanong kung ano raw ba ang magandang tawagan ng magsyota. Natatawa ako kasi hindi naman ako eksperto dun e. Isa pa wala akong oras para mag-isip ng panibagong pet name na gagamitin ng mga kawawang kaluluwang gustong maiba. Kaya lang may isang pangyayari sa buhay ko na naging hindi dahilan upang magisip ako ng panibago.
Guy: Sinasagot mo na ba ako?
A: Oo.
Guy: Talaga?
A: Oo nga.
Guy: So anong tawagan natin?
A: *bahagyang nadismaya at napaisip*
At dun ko nga naisip ang isang magandang tawagan.
Drumroll please.
A: Alam mo kase, hindi naman nating kailangan ng tawagan. Pero kung gusto mo talaga, ang gusto kong itawag sayo e yung pangalan mo. Kase ang pangalan mo ay pangalan ng lalaking mahal ko.
Tama naman di ba? Kaya kung gusto nyo ng ipantatawag o pet name na hindi kagaya ng iba o unique, eto ang simpleng formula:
Name+ Ko
Name= pangalan ng gf/bf nyo
Ko= nagdedeclare na sya ay sayo.
Kaya kung halimbawang Enchong ang pangalan ng taong mahal nyo edi “Enchong ko”. Marami mang Enchong sa mundo pero ang Enchong na yan ay Enchong Mo.
O ano? Ayos na?
G E R A L D I N E