
Hindi ko alam kung bakit ko sinusulat to.
Basta.
Bakit kaya pag merong magnobyo/nobya, kailangan pa ng tawagan?
Pwede namang name lang?
Tapos yung tawagan nila puro matatamis na pagkain.
Honey- at sino ka si Pooh?
Cupcake- lemon square?
Sweetie- talaga? gano katamis?
Gummy Bears -wth?
At kung anu ano pa.
Nakakasawa ng pakinggan ee.
Bakit kaya hindi sila magtry ng panibagong tawagan?
Yung makabago.
E kung gusto talaga nila ng sweet,
Bakit kaya hindi nila i-try ang:
Asukal,
Muscovado,
Macaroons
O kaya naman, Panutsa <-peyborit
Atlis bago sa pandinig. Hindi korni pakinggan.. Makakapagpasaya ka pa ng mga tao sa paligid mo. Atlis, pag nagtawagan kayo ng ganun sa public, hindi sila makokornihan o maiinis. Matatawa sila. O diba?
Ilan pa sa mga gasgas na tawagan ay yung:
Baby -hello? hindi na bata yun noh
Darling- ahm? mag asawa?
Heart- anu konek
Mine- anu patunay?
Angel- panu ka nakakasigurado. haha. anong klaseng angel? haha
Mamii/Dadii- Nanay mo sya? Tatay mo sya?
etc.
Bat kaya di nila i-try yung:
Tanda
Bruha
Isaw, Atay, Apdo
Yours,
Ninuno..
Para bago naman sa pandinig..Hindi laging yun ng yun.
Ano pa ba?
Eto pa, eto naman ang tawagan ng mga moderno, makabagong kabataan..
Pare- (guilty ako dito dahil ginamit ko to haha) Ang pagkakaalam ko, naging sikat ang tawagan na to dahil dun sa komersyal ng Sunsilk. Yung sila Drew Arellano at Happy. Si Pare. Nung naipalabas yun, nakigaya na yung mga gaya gaya. (kasama ako.)
Panget- hindi kaya nakakainsulto yun, lalo na kung talagang panget ang syota mo? Panget na nga pinagduduldulan mo pa?
Tae- (guilty na naman) baket. muka ba tae yung syota mo?
Boss- Handa ka na bang sundin lahat ng pinaguutos ng syota mo at handa ka bang ibigay lahat ng gusto nya? Ha?
Wala lang. Ang tamaan wag magagalit. Wala naman akong intensyon dito sa pagsusulat nito. Gusto ko lang ilabas yung nararamdaman ko (nakokornihan na kase ako.kase..). Tsaka maski ako naman tinamaan dito. Dahil ginamit ko rin ang ilan jan. Resulta lang to ng kalikutan ng isip ko. Wala lang.
Gaaah. [x